Year-end bonus at 5,000 cash gift, matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno simula Nov. 15

by Radyo La Verdad | November 8, 2017 (Wednesday) | 2154

Nasa 1.38 million national government employees ang pangunahing makikinabang sa maagang paglalabas ng pondo ng Department of Budget and Management para sa year-end bonus at cash gift ng mga ito.

Isa sa  mga inaasahang makatatanggap nito si Ferdinand Balbin na DSWD Caraga employee. Magandang balita aniya ito dahil maaga silang makakabayad sa kanilang mga pinagkakautangan.

Nagpasalamat naman ang pulis na si PSupt. Lope Macauba sa maagang regalong ito ni Pangulong Duterte. Ngunit para sa mga nasa local government units at government owned or controlled corporations, didepende pa ito sa kanilang mga pondo.

Samantala, iniulat rin ni Budget Secretary Benjamin Diokno na may nakikita na silang pwedeng pagkunan ng 20 billion pesos na kakulangan sa kabuuang 64 billion pesos para sa dobleng sahod ng mga uniformed personnel.

Tiwala rin itong kaya nang ibigay ang umentong ito sa mga sundalo at pulis simula January 2018.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,