1 patay, 18 sugatan sa aksidente sa Davao

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 1978

DAVAO
Isa ang patay samantalang 18 ang sugatan sa mga delegado ng Tuba, Benguet sa Lakbay-Aral sa Davao City matapos masangkot ang sinakyan nilang van sa isang aksidente sa National Highway sa Carmen, Davao del Norte.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tinangka ng van umovertake sa isang tricycle sa national highway ngunit nahagip nito ang kaliwang bahagi ng tricycle matapos iwasan naman ang paparating na sasakyan sa kabilang lane kaya ito bumaliktad.

Kinilala ang namatay na biktima na si Kapitan Francisco Milo Jr.

(UNTV RADIO)

Tags: , , ,