12 ang patay, kabilang ang isang buong pamilya sa plane crash sa Costa Rica

by Radyo La Verdad | January 1, 2018 (Monday) | 2825

Patay ang labingdalawang katao sa pagbagsak ng isang mallit na eroplano sa Northwest ng Costa Rica.

Kabilang sa nasawi ang limang miyembro ng isang pamilya na pawang American tourists.

Sakay ng eroplano ang 10 turista mula Amerika at dalawang crew nang bumagsak ito sa bulubunduking bahagi ng Guanacaste, Costa Rica.

Sa larawan mula sa Public Safety Ministry ng Costa Rica, halos hindi na makilala ang eroplano at tanging sunog na mga bahagi na lamang nito ang makikita sa crash site.

Patungo sana sa Juan Santamaria International Airport ang eroplano nang mag-crash ito.

Tags: , ,