15-anyos na lalaking sugatan sa  motorcycle accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue team  

by Radyo La Verdad | August 8, 2017 (Tuesday) | 1373

Pasado alas dies kagabi nang biglang matumba ang isang motorsiklo sa di kalayuan sa aming lugar. Nagtamo ng sugat sa kanang binti ang driver ng motorsiklo na si Vincent Guban, 15 anyos na nakatira sa Matimyas street, Barangay 527 sa Maynila.

Agad naman itong nilapatan ng UNTV News and Rescue team ang tinamong pinsala ng biktima.

Ayon sa ilang nakasaksi sa insidente… papaliko na sana ang biktima patungong  N. Ramirez street ngunit biglang natumba. Posible anilang dahil sa basang kalsada na dulot ng pag ulan kaya nadulas ang motorsiklo ng biktima.

Pagkatapos mabigyan ng first aid treatment ng grupo ay tumanggi na ang biktima na magpahatid sa hospital at pinili na lamang nito na umuwi sa kanilang bahay.

 

(Reynante Ponte / UNTV Correspodent)

 

Tags: , ,

Leave a Reply