Sugatang motorcycle rider sa Butuan City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | June 24, 2019 (Monday) | 15356

BUTUAN, Philippines – Nakahandusay sa kalsada ang isang lalaking motorcycle rider nang datnan ng  UNTV News and Rescue team sa South Montilla Boulevard, Butuan City, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang rider na si Jason Fermano na taga Amayahan, Agusan del Norte.

Nagtamo ito ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at pananakit balikat bunsod ng pagkakabangga sa center island ng kanyang minamanehong motorsiklo.

Kwento ng mga nakasaksi sa aksidente, mabilis umano ang pagpapatakbo ni Fermano habang binabaybay ang national highway na tila nakikipaghabulan sa ibang motorista.

Nagulat nalang ang mga tao sa lugar nang salpukin nito ang center island.

Matapos lapatan ng first aid ng UNTV Rescue si Fermano ay dinala na ito sa Butuan Medical Center upang masuri ng mga doktor habang kinuha naman ng mga pulis ang motorsiklo nito para sa safe keeping.

Para sa mga mangangailangan ng tulong ng UNTV News and Rescue makipag ugnayan lamang sa numerong 911-UNTV o 911-8688.

(Raymond Octobre | UNTV News)

Tags: , , ,