16 na hospital sa Metro Manila, ilalagay sa code white alert sa Huwebes dahil sa traslacion

by Radyo La Verdad | January 7, 2020 (Tuesday) | 352

Ilalagay sa code white alert ang labing anim na pampublikong ospital Metro Manila sa Huwebes kaugnay ng magaganap na traslacion.

Ito ay upang matiyak na handa ang naturang mga pagamutan sakaling may mangyaring emergency situation sa taunang prusisyon.

Labingapat na health response teams din ang idedeploy ng Department of Health sa mga strategic location sa ruta ng traslacion.

Payo naman ng DOH sa mga sasama sa prusisyon magsuot ng kumportableng damit, magdala ng panangga sa init o ulan, magbaon ng pagkain at tubig upang maiwasan ang dehydration.

Payo naman ng mga otoridad iwasan din ang pagsusuot ng alahas at pagdadala ng mamahaling gadget.

Tags: ,