17 patay sa sunog sa isang care home sa Ukraine

by Radyo La Verdad | May 30, 2016 (Monday) | 1981
Isang care home na nasunog sa Ukraine(REUTERS)

Isang care home na nasunog sa Ukraine(REUTERS)

Sa Ukraine, labing pito ang patay ng masunog ang isang residential building na nagsisilbing tahanan ng mga matatanda sa isang bayan malapit sa Kiev.

Nagsimula ang sunog kahapon ng umaga kung saan labing walo ang nailigtas ng emergency services, lima sa kanila ang agad na dinala sa ospital dahil sa tinamong pinsala.

Napag-alaman ng mga otoridad na walang lisensya ang naturang care home.

Nasa kustodiya ng Kiev Police ang may-ari ng building habang nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga otoridad tungkol sa naging sanhi ng sunog.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , ,