Lalaki patay sa pananaksak sa Quezon City

by Radyo La Verdad | March 8, 2016 (Tuesday) | 2028

PATAY-2
Dead on the spot ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng Night Heron KTV and disco bar sa Commonwealth Avenue Sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City pasado alas dos kaninang madaling araw

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, kinilala ang biktima si Kwentin Palanggao 43-anyos na nagtatrabaho bilang tindero ng sapatos.

Gabi-gabi din nagpupunta sa lugar ang biktima upang magbenta ng sapatos.

Sa pasisiyat ng SOCO, nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima, wala naman nakita murder weapon sa crime scene.

Bigo naman ang mga opisyal ng barangay na makakita ng gustong tumestigo sa krimen dahil posible umanong natatakot na madamay at balikan sila ng suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa krimen upang matukoy kung sino at ano ang motibo sa krimen.

(Benedict Galazan/UNTV NEWS)

Tags: