63 anyos na lalaking nasugatan, tinulungan ng UNTV News and Rescue sa Naga City

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 1171

ALLAN_TMBB
Malaking sugat sa ulo ang tinamo ng 63 anyos na lalaki matapos itong maaksidente habang nagbibisikleta.

Papauwi na sana sa kanilang bahay ang biktimang kinilalang si Ramon Losero ng matumba sa kanyang bisikleta sa Brgy. Mabulo, Naga City sa Camarines Sur alas onse y media kagabi.

Matapos na matanggap ng UNTV News and Rescue ang stress call kaagad na nagtungo ang grupo sa lugar ng aksidente.

Nadatnan ng grupo ang matanda na naka-upo sa tabi ng kalsada at kaagad na nilapatan ng pang-unang lunas ang malaking sugat sa kanyang ulo.

Matapos na mabigyan ng first aid si Losero agad itong dinala sa Bicol Medical Center.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: ,