2 biktima ng vehicular accident sa Zamboanga City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | December 13, 2018 (Thursday) | 25745

Nagtamo ng sugat sa kanang siko at pasa sa ulo si Ericson Fernandez, 18 taong gulang, habang sugatan naman sa kanang siko at tuhod ang tinamo ni Alisa Ijirani. Ito ay matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na sasakyan sa Barangay Santa Maria, Zamboanga City pasado alas dose kaninang madaling araw.

Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga sugat ng mga biktima.

Pagkatapos nito ay tumanggi na ang mga ito na magpadala sa pagamutan.

Ayon sa mga biktima, madilim ang kalsada kaya hindi nila napansin ang kasalubong na sasakyan.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

Tags: , ,