2 drug suspek, naaresto ng PNP sa Caloocan, City

by Erika Endraca | October 11, 2021 (Monday) | 428

CALOOCAN, CITY – Naaraesto sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad ang 2 drug personalities sa Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na si Davidson Belarmino at Ross Fernando Lagman na parehong residente ng Brgy 18.

Nakumpiska sa mga suspek ang 7 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P47,000 at mga drug paraphernalia at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: