Higit P54-M halaga ng shabu nakumpiska, 2 suspek arestado sa Taguig City

by Radyo La Verdad | December 3, 2021 (Friday) | 1393

METRO MANILA – Arestado ang 2 suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District (SPD) sa Brgy. Maharlika, Taguig City pasado alas-onse ng gabi noong November 25, 2021.

Kinilala ang mga suspek na sina Marissa Asi, 34 anyos at Muslimin Kamid, 32 anyos na parehong naninirahan sa nasabing brgy.

Nakuha sa 2 ang 5 pakete ng hinahinalang shabu na may timbang na 25 gramo na nagkakahalaga P170,000 at 8 pang plastic packs na may timbang din ng halos 8 kilo na nagkakahalaga naman ng P54.4-M

Nasa kustodiya na ngayon ng SPD Drug Enforcement Unit Office ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Renee Lovedorial | La Verdad Correspondent)

Tags: