2 hinihinalang miyembro ng robbery group, patay sa engkwento sa Rizal

by Radyo La Verdad | December 3, 2018 (Monday) | 548

Dalawang hinihinalang miyembro ng Orendain robbery group ang nasawi matapos umanong makipagpalitan ng putok sa Cainta pulis sa Barangay San Andres, Cainta Rizal pasado ala una ng  madaling araw kanina. Kinilala ang isang suspek na si alyas Jr., habang wala pang pagkakakilanlan ang kasama nito.

Ayon sa Cainta pulis, nilagpasan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang kanilang chekpoint kaya nila ito hinabol. Nauwi naman sa engkwentro ang habulan hanggang sa mapatay ang dalawang suspek.

Samantala, nauwi din sa engkwentro ang buy bust operation sa Barangay Dela Paz, Biñan Laguna matapos umanong magpaputok ng baril ang drug suspect na kinilalang si Wilfredo Gonzales Jr.

Ayon sa barangay chairman sa Dela Paz, hindi umano sila nagkulang na magpaalala sa kanilang mga ka-barangay na tumigil sa iligal na gawain.

Nakuha sa suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, isang .38 revolver na baril, mga bala, cellphone at ginamit na marked money.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,