2 nasawi, nasa 15 sugatan sa pagsabog sa Ningbo City sa Shanghai, China

by Radyo La Verdad | November 27, 2017 (Monday) | 3961

Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang hindi naman bababa sa labinlima ang sugatan sa pagsabog sa isang factory sa Ningbo City sa Shanghai, China kahapon ng umaga.

Sa tindi ng pagsabog, ilang building ang gumuho sa ilang residential area sa lugar. Mabuti na lamang at nailikas na ang mga tao sa lugar dahil  nakahanda na ito for demolition.

Ayon sa state-run television na CCTV, patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operation sa mga posibleng natabunan ng debris.

Iniimbestigahan na ng pamahalaan ang sanhi ng pagsabog at ang kung sino ang responsable rito.

Tags: , , ,