2 pang GCTA convicts sa Chiong rape-slay case, sumuko sa New Bilibid Prison

by Radyo La Verdad | September 19, 2019 (Thursday) | 1060

Sumuko na ang dalawa pang convicted sa 1997 rape-slay case ng Chiong sisters sa mga tauhan ng Bureau of Corrections.

Napalaya noong Agosto ang mga convicts na sina Josman Aznar at James Anthony Uy kabilang ang dalawa pang mga kasama nito dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Nagpakita ang dalawa sa gate 1 ng New Bilibid Prison Compound pasado alas sais kagabi base sa impormasyon na ibinigay ni Department of Justice Undersecretary Markk Perete.

Sumuko ang dalawa isang araw bago ang 15-day deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga convict na napalaya simula noong 2013 dahil sa GCTA law.

Nauna na ring sumuko sa mga otoridad ang dalawa pang kasama nito na sina Ariel Balansag at Alberto Caño.

Samantala, sa huling tala ng BuCor noong Miyerkules ng umaga, umabot na sa 964 convicts ang sumuko.

Tags: , ,