2 tulak ng iligal na droga sa Zamboanga Sibugay, arestado

by Erika Endraca | November 27, 2020 (Friday) | 394

Naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad ang 2 tulak ng iligal na droga Sa Ipil, Zamboanga Sibugay nitong Miyerkules (Nov. 25).

Kinilala ang mga ito na sina Ariel Velez at si Allan Vincent Navarro na pawang nasa drug watch list ng mga otoridad.

Nakumpiska sa dalawa ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang ng mahigit 2 gramo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang mga suspek.

(MJ Fiel | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,