LTFRB, nag-isyu ng special permit para sa mga bus na bibiyahe sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | March 17, 2016 (Thursday) | 1866

LTFRB
Nag-isyu ng special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa mga bus na bibiyahe sa susunod na linggo upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Kasama sa binigyan ng special permits ay ang mga roro buses na tumatawid sa pier patungo sa ibang pantalan.

Ayon kay LTFRB Board Member Ariel Inton, sa kasalukuyan, nasa 347 mula sa 381 na mga aplikasyon para sa special permits ang kanilang inaprubahan.

Tags: , , ,