21 OFW galing Libya, darating sa bansa mamayang hapon

by monaliza | March 25, 2015 (Wednesday) | 634

IMAGE_JULY062014_UNTV-News_FILE-PHOTO_OFW

Inaasahang dadating sa bansa mamayang hapon ang karagdagan 21 Overseas Filipino Workers mula sa Libya.

Ayon sa Department of Foreign Affairs,karagdagan ang naturang mga OFW sa 164 na nauna ng nakauwi ng Pilipinas ngayon Linggo.

Sinuguro naman ng Overseas Workers Welfare Administration ang pagbibigay ng tulong para sa mga OFW na nawalan ng trabaho.

Isasailalim din sa counseling ang mga OFW na-trauma dahil sa karahasan na kanilang naranasan o nakita sa Libya.

Tags: ,