21 patay sa pananalasa ng bagyo sa Bangladesh

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 6710

BANGLADESH
Libu-libong mamayan ang nawalan ng tahanan sa pananalasa ng Cyclone Roanu sa Bangladesh.

Umakyat na sa 21 ang iniulat na nasawi dahil sa cyclone.

Umaabot sa 500-libong residente ang inilikas mula sa Chittagong at Barisal Regions na grabeng naapektuhan.

Sa ngayon humina na ang bagyo ngunit naglabas pa rin ng babala ang Weather Office ng Bangladesh na madalas na salantahin ng cyclone na nabubuo sa Bay of Bengal.

(UNTV RADIO)

Tags: ,