3 patay, 14 sugatan sa panibagong pag-atake sa Bangladesh

by Radyo La Verdad | July 8, 2016 (Friday) | 7787

BANGLADESH
Patay ang dalawang pulis at isang sibilyan habang labing-apat na iba pa ang sugatan sa pag-atake ng mga militante na mga nagbabantay na pulis sa pagtatapos ng Ramadan.

Batay sa ulat, nagpasabog ng maliliit na bomba sa police post sa bayan ng Kishoreganji sa Bangladesh ang mga suspek na ikinasawi rin ng dalawa nilang kasamahan.

Nahuli naman ng mga pulis ang tatlo pang suspect.

Ayon sa mga otoridad, nasa tatlong daang muslim ang nagtitipon sa lugar para sa selebrasyon ng eid al fitr.

(UNTV RADIO)

Tags: