21 sa 72 patay sa sunog sa Valenzuela City, nailibing na

by dennis | May 15, 2015 (Friday) | 1251

VALENZUELA BANGKAY

Nailibing na kagabi ang 21 labi ng mga namatay sa nasunog na pabrika ng tsinelas sa Arkong Bato Valenzuela City.

Nananatiling 72 ang kasalukuyang bilang ng mga katawang nakuha sa lugar ng insidente.

Wala pang binibigay ang otoridad na eksaktong bilang ng na-identify na katawan pero dito sa Yeyo Sabino funeral service ay may 24 na katawan na nakakaabang na at handa ng ilibing mamayang ala-1:00 ng hapon.(Macky Libradilla/UNTV Radio)

Tags: ,