Suspek sa pagpatay at pangholdap sa isang lalaki, arestado sa Valenzuela City

by Radyo La Verdad | August 31, 2018 (Friday) | 4844

Limang buwan ng pinaghahanap ng Valenzuela City PNP ang trentay singko anyos na si Salvador Manalili alyas Junior Bakal.

Si Manalili ay suspek sa panghoholdap at pagpatay sa 23 anyos na bank employee na si Riverdalle Villamartin noong ika-9 ng Marso ngayong taon.

Noong nakaraang linggo, hindi inaasahan ni Elaine na ang pumatay sa kaniyang kaibigan ay mapapanuood niya sa TV matapos namang maaresto dahil sa iligal na droga, kaya naman agad itong nagreport sa PNP. Todo tanggi namang ang suspek sa akusasyon sa kanya.

Ayon sa PNP, marami na rin silang natatangap na reklamo laban sa suspek.

Nahaharap sa kasong robbery with homicide at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Manalili.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,