73 patay, 630 kumpirmadong kaso ng H1N1 virus sa Ecuador

by Radyo La Verdad | June 24, 2016 (Friday) | 7602

ecuador
Pitumput tatlo na ang nasawi at mahigit anim na raan naman ang kumpirmadong kaso ng H1N1 influenza virus o swine flu sa Ecuador.

Ayon sa public health ministry ng Ecuador ang probinsya ng Pichincha ang may pinakamataas na bilang na nasawi na tatlumput apat
Sinundan naman ito ng Manabi na may siyam, walo sa Guayas at lima sa Chimborazo.

Panawagan ng mga health official sa mga mamamayan na huwag nang kainin ang mga baboy na namatay sa sakit at magpabakuna upang makaiwas sa swine flu virus.

(UNTV RADIO)

Tags: ,