Ecuador, niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

by Radyo La Verdad | July 12, 2016 (Tuesday) | 7740

ECUADOR
Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang northwest coast ng Ecuador kahapon.

Ayon sa U.S. Geological Survey, naitala ang sentro ng lindol malapit sa bayan ng Esmeralda at may lalim na tatlumput limang kilometero.

Hindi naman naglabas ng tsunami alert ang Pacific Tsunami Warning Center.

Ilang beses nang niyanig ng lindol ang Coastal Region ng bansa matapos ang magnitude 7.8 earthquake noong nakalipas na Abril kung saan anim na raan at limampu ang nasawi.

(UNTV RADIO)

Tags: