46% ng mga Pilipino, naniniwalang hindi maiiwasang madamay ang mga inosente sa war on drugs – SWS

by Radyo La Verdad | November 2, 2017 (Thursday) | 549

Halos kalahati o 46 na porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi maiiwasang madamay ang mga inosente upang masugpo ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa.

35% namang ang tumutol habang 19% ang undecided, ito ang lumabas sa 3rd quarter survey ng Social Weather Station o SWS na ginawa sa 1,500 na tao noong September 23 hanggang September 27.

Sa naturang survey din lumabas na 49% ang naniniwala na may mga tauhan ang pamahalaan sa kanilang lugar na sekretong nag-oobserba at nagsusumbong kung sino ang mga gumagamit o nagbebenta ng iligal na droga.

 

Tags: , ,

Leave a Reply