Sandiganbayan, nagisyu ng freeze order sa mga bank account at ari-arian ni ex-CJ Corona

by monaliza | March 16, 2015 (Monday) | 611

CORONOTAX

Ipina-freeze na ng Sandiganbayan 2nd Division ang ilan sa mga bank account at ari-arian ni Dating Chief Justice Renato Corona kaugnay ng kanyang civil forfeiture case sa anti-graft court.

Kabilang sa mga ipapagarnish ng korte ay ang siyam na bank accounts nito, pitong condominnium units at ilang lupa na nagkakahalaga ng P130.5 million.

Nahaharap sa civil forfeiture case si Corona at ang kanyang asawa dahil sa umanoy milyon milyong kayamanan ng dating chief justice na hindi matukoy ang pinanggalingan. (Joyce Balancio/UNTV News Correspondent)

Tags: , , , , ,