Ad agency na gumawa ng campaign video ng DOT, umaming gumamit ng stock footage

by Radyo La Verdad | July 3, 2023 (Monday) | 8540

METRO MANILA – Humingi ng paumanhin ang advertising agency na DDB Philippines sa Department of Tourism at sa mga Pilipino sa ginawa nilang “Love the Philippines” campaign video para sa kagawaran.

Sa isang pahayag inamin ng ad agency na gumamit sila ng stock footage ng ibang bansa sa paggawa ng naturang video.

Bagaman standard practice anila ito sa paggawa ng anila’y ‘mood videos’, pag-amin ng DDB Philippines, hindi tama ang pag-gamit ng video ng ibang bansa para sa pagpo-promote ng turismo ng Pilipinas.

Iginiit din ng ahensiya na walang public funds na nagamit sa paggawa ng naturang video.

Ayon naman sa DOT nagsasagawa na sila ng masusing imbestigasyon sa isyu.

Giit ng DOT, ilang beses nilang kinumpirma sa DDB ang originality at ownership ng lahat ng mga ginamit na video materials sa audio visual presentaion.

Kinumpirma nitong walang public funds na ginamit sa paggawa ng avp, gayunman papanagutin pa rin ng ahensya ang ad company.

Tags: , ,