AFP, magtatalaga ng mga tauhan sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang tulong sa PNP

by Radyo La Verdad | July 19, 2017 (Wednesday) | 4187


Wala pang natatanggap na banta sa seguridad sa araw ng State Of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines.

Subalit, patuloy umano nilang beniberipika ang ulat mula sa Philippine National Police na mayroong mga nais manggulo sa SONA ng pangulo.

Ayon kay AFP PAO Chief Col. Edgard Arevalo totoo man o hindi ang ulat, magtatalaga pa rin sila ng sapat na bilang ng mga tauhan bilang augmentation force sa PNP.

Bukod sa pangangalaga sa seguridad ay mayroon din silang tatalagang tauhan para magbigay naman ng first aid sakaling magkagulo at may masugatan.

Tiniyak din ng AFP na gagawin ang lahat upang magkakaroon nang payapang SONA ang pangulo.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,