Airline Companies nag-kansela ng flights ngayong araw dahil sa Bagyong Ursula

by Erika Endraca | December 25, 2019 (Wednesday) | 202

METRO MANILA – Nagkansela na ng flights Ngayong araw (Dec. 25) ang ilang airline company dahil sa Bagyong Ursula.

Ang Cebu Pacific kanselado ang flights na Manila to Roxas, Boracay, Cebu, Marinduque, Coron Tablas at Masbate vice versa.

Ang Air Asia naman kanselado rin ang flights na Manila to Caticlan vice versa, Cebu to Caticlan at Caticlan to Clark vise versa.

Habang na-rescheduled naman ang ilan sa kanilang mga international flights kagaya ng Incheon at Shanghai to Kalibo, Kalibo to Busan gayun din ang ilang domestic flights na Manila to Caticlan at Kalibo vise versa.

At sa Philippine Arilines naman kinansela na rin nila ang biyhe na Manila to Roxas at Kalibo vise versa, clark to Busuanga vise versa, Cebu to Caticlan vise versa at Cebu to Siargao vise versa.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: