Aksidente ng motorcycle rider, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 27, 2017 (Friday) | 4686

Sumemplang ang motorsiklo sakay ang isang lalaki sa kanto ng Baler street at Miller street sa San Francisco del Monte, Quezon City pasado alas nuebe kagabi.

Kinilala ang biktima na si Jerwin Montales, 32 years old. Ayon sa biktima, galing ito sa isang kaibigan kung saan siya nakipag-inuman. Matapos nito ay umuwi itong walang helmet ngunit nadulas ito dahil sa kalasingan.

Nagtamo ang biktima ng gasgas at hiwa sa mukha at iba’t-ibang bahagi ng katawan at posibleng bali sa hinlalaki.

Agad na nilapatan ng pang-unang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima.

Dinala sa Quezon City General Hospital ang biktima para sa kaukulang atensyong medical.

 

( Asher Cadapan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

Leave a Reply