Pulis na nagpositibo sa COVID-19, nasawi matapos aksidenteng mabaril ang sarili

by Erika Endraca | October 11, 2021 (Monday) | 942

METRO MANILA – Nasawi ang isang police officer na naka confined sa ospital dahil sa COVID-19 matapos nitong aksidenteng mabaril ang sarili.

Nakilala ang nasawi na si Sgt. Reynante Menia, 43 na taong gulang, residente ng Zone 1, Barangay Villa Joson San Jose City at nakatala sa police station, bayan ng Rizal. Kinumpirma naman ito ni Lt. Col. Criselda de Guzman, City Police Chief.

Ayon kay Police Chief De Guzman, na admit si Menia sa ospital ng San Jose matapos magpositibo sa COVID-19 noong Oktubre 8.

“Menia died on the spot after he accidentally shot himself, while cleaning his caliber 9mm Pietro Beretta pistol which he regularly does,” ayon sa imbestigador.

Ayon sa pulisya ang asawa naman ni Menia ang daliang tumawag sa duty nurse ng marinig nito ang putok ng baril, samantala wala ng buhay ang pulis at may tama na ng bala sa ulo ng makita.

Dagdag pa ng pulisya , kargado ang baril ng namatay na pulis. Ang baril ay 9mm Pietro Beretta pistol na naglalaman ng 8 bala at may Serial number na N64539Z.

(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)

Tags: