Aksidente sa motorsiklo sa Bacolod City, magkatuwang na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team at Crooper Rescue

by Radyo La Verdad | August 2, 2018 (Thursday) | 2701

Dalawang lalaki ang nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan matapos maaksidente ang sinasakyan motorsiklo sa Barangay Mansilingan sa Bacolod City bandang ala una kaninang madaling araw.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Sam De Lapaz, 25 na taong gulang at residente ng Barangay Tangub sa Bacolod City at ang kasamahan nito na si Kyle Belocura, 20 taong gulang ng Silay City, Negros Occidental.

Ayon sa salaysay ng driver, pauwi na sana sila nang madulas ang kanilang motorsiklo nang mapagawi sa mabuhangin na bahagi ng kinukumpuning kalsada.

Aminado naman ang driver na naka-inom silang pareho ng  alak.

Nagtamo ng gasgas sa kaliwang braso at siko ang driver na si Sam habang nagtamo naman ang angkas nito ng hiwa sa kaliwang kilay at mga gasgas sa mukha at kaliwang palad.

Magkatuwang naman na binigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team at ng Crooper Rescue ang dalawang biktima at dinala sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital.

 

( Vincent Arboleda / UNTV Correspondent )

Tags: , ,