Apat patay sa shooting incident sa Kansas, USA

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 1402
local sheriff(REUTERS)

local sheriff(REUTERS)

Apat ang nasawi at hindi bababa sa dalawampu ang sugatan sa shooting incident sa isang working site sa Kansas, USA.

Ayon sa isang local sheriff napatay ang suspek na namaril sa loob ng Excel Building habang nakasakay ng kanyang kotse.

Napagalaman na empleyado ng Excel Industries ang suspek.

Sa ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital ang mga nasugatan.

Iniimbestigahan narin ang motibo ng suspek sa pamamaril.

Tags: , , ,