Babaeng binaril matapos holdapin, tinulungan ng UNTV News and Rescue team

by Radyo La Verdad | July 28, 2017 (Friday) | 4250


Nakuhanan ng dashcam ng UNTV News and Rescue team ang aktwal na pagbaril ng holdaper sa isang babae sa Manila East Road Tanay, Rizal alas tres ng madaling araw kahapon.

Mabilis na tumakas ang suspect sakay ng motosiklo na walang plaka. Agad nilapitan ng UNTV Rescue ang biktima at siniyasat ang kalagayan nito.

Tama ng bala sa kanang balikat ang tinamo ng bente-uno anyos na biktima na kinilalang si Gerivie Gomez. Kuwento niya, pauwi na siya ng bahay nang lapitan siya ng holdaper para umano magtanong ng direksyon.

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV Rescue ang sugat sa balikat ni Gomez saka inihatid sa Rizal Provincial Hospital

(Jenica Cruz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,