Babaeng nasugatan sa noo matapos batuhin ng bote ng beer sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 4, 2017 (Wednesday) | 1145

grace_tmbb
Inabutan ng UNTV News and Rescue Team ang isang ginang sa Baguio City Police Station 7 pasado alas dos ng madaling araw habang iniinda ang pananakit ng tinamo nitong sugat sa kanang noo.

Kinilala ang biktima na si Vanessa Adorton, trenta y uno anyos na kasalukuyang nanunuluyan sa Don Apartelle, Baguio City.

Ayon sa biktima binato umano ito ng bote ng beer ng kasamahan nito sa trabaho sa Diesel 1 Resto Bar, Naguillan Road, Baguio City.

Nagtamo si Adarton ng bukol at sugat sa kanang noo na agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team pagkatapos ay minonitor ang vital signs ng biktima.

Tumanggi na rin ang biktima na dalhin ito sa ospital.

Nasa kustodiya ngayon ng Baguio City Police Station 7 si Adarton para sa imbistigasyon ng mga pangyayari.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,