Babaeng sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue team

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 2152

Sugatan ang isang babaeng motorcycle rider matapos na maaksidente sa West Avenue, Quezon City pasado alas dose kaninang madaling araw.

Kwento ng biktima na Lyka Mesias, 21 anyos, papasok na sana siya sa trabaho sakay ng kanyang motorsiklo. Ngunit nang papaliko na sa kanto ng West Avenue ay nawalan ng kontrol sa motorsiklo at tuluyan ng natumba.

Ayon naman sa mga pulis na nasa lugar ng mangyari ang aksidente, posibleng dahil sa madulas ang kalsada kaya’t na out of balance ang motor ng biktima.

Nagtamo ng ilang gasgas sa kanang braso at kanang tuhod si Lyka na agad namang nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue team.

Tumanggi namang magpadala pa sa ospital ang biktima at dumiretso na sa pagpasok sa trabaho.

 

(Rajel Adora / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,

Leave a Reply