Bagong driver’s license cards, posibleng i-deliver sa susunod na 1-2 buwan

by Radyo La Verdad | June 27, 2023 (Tuesday) | 4163

METRO MANILA – Posibleng mai-deliver na sa susunod na 1 o 2 buwan ang mga bagong plastic card na gagamitin para sa driver’s license.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, nai-award na ang 5.2 million na plastic cards para sa lisensya noong nakaraang Linggo.

At sa mga susunod na 1 o 2 buwan maihahatid ang unang batch na nasa 500,000 pieces.

Kasalukuyang may kakulangan sa plastic cards para sa pag-iimprenta ng drivers license.

Ayon kay bautista, sa ngayon nasa 70,000 na lang ang plastic cards na nasa imbentaryo ng Land Transportation Office (LTO) at naka-reserba ito sa mga paalis na Overseas Filipino Workers (OFWs).

Tags: , ,