Bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, nakapagtala ng higit 1000

by Radyo La Verdad | October 6, 2022 (Thursday) | 8412

Nakapagtala ang bansa ng higit isang libong mga bagong kaso ng Covid-19 kahapon, Oct. 5.

Sa tala ng Department of Health, 1,764 ang mga nadagdag, dahil dito sumampa na sa 3,958,786 ang total Covid-19 cases.

Ang aktibong kaso ay 25,733.

14.8-percent naman ang nationwide positivity rate.

Tatlumpu’t tatlo (33) ang mga nadagdag sa mga nasawi.

Habang 2,700 ang mga bagong gumaling.

Tags: ,