Batang nahulog sa Tullahan River, natagpuan na

by Radyo La Verdad | July 19, 2018 (Thursday) | 2375

Natagpuan na ng mga otoridad ang onse anyos na batang lalake na nahulog sa Tullahan River matapos makuryente habang bumubuhos ang malakas na ulan noong Martes.

Ayon sa mga rescuer, nakita ang bangkay ng biktima na kinilalang si Jan Darwin Vargas ng mangangalakal ng basura sa creek sa boundary ng Barangay 164 at Barangay 163 sa Plastican Estrella Compound kahapon ng alas singko ng hapon.

Sa ngayon ay nakaburol na ang mga labi ni Jan Darwin Vargas sa Interville Subdivision sa Caloocan City.

 

Tags: , ,