Bawas-singil sa kuryente posibleng ipatupad ng Meralco ngayong Agosto

by Radyo La Verdad | August 7, 2023 (Monday) | 4173

METRO MANILA – Posibleng bumaba ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Agosto ayon sa Meralco.

Sa isang pahayag sinabi ng power distributor na ang pagbaba ng generation charge, ang mas mababang demand at ang paghina ng palitan ng piso kontra dolyar ang ilan sa nakikitang nilang factors upang magkaroon ng bawas-singil sa kuryente ngayong buwan.

Noong nakaraang Hulyo nauna na ring nagpatupad ng power rate reduction ang Meralco kung saan nasa P144 ang nabawas binayarang bill ng mga customer na kumokonsumo ng 200 kilowatthour.

Tags: