Bersyon ng Kamara ng death penalty, malaki ang tiyansa na maipasa rin sa Senado – Senate President

by Radyo La Verdad | March 2, 2017 (Thursday) | 3334


Naniniwala si Senate President Koko Pimentel na makakapasa rin sa Senado ang Death Penalty Reimposition Bill.

Ito ay sa kabila na hati ng opinion ang mga senador sa panukalang batas.

Sinabi ni Pimentel na bagama’t may reserbasyon ang ilang mambabatas sa death penalty reimposition bukas naman sila para maipasa ito.

Hindi rin ito makakahadlang kapag naisabatas na ito sa mga international treaty na nilagdaan ng Pilipinas.

Tags: , , , ,