Better vocal ability, ipapakita ni Louie Anne Culala sa pagsabak sa nalalapit na WISHcovery grand finals

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 3338

Muling pinatunayan ng rising star ng Bulacan Louie Anne Culala ang kanyang pambihirang husay sa pagkanta sa kanyang hometown concert sa San Ildefenso Gymnasium, Bulacan kagabi.

Dito ay sinariwa niya rin ang kanyang WISHcovery journey sa pamamagitan ng mga awiting nagdala sa kanya sa grand finals.

Kilala si Louie Anne sa kanyang powerful at versatile vocals at nangako siyang may ibubuga pa siya sa WISHcovery grand finals.

Bukod sa kanyang mga supportive na kababayan, higit na proud sa kanyang achievement ang kanyang amang nagturo sa kanya ng pag-awit.

Bukod sa mini-concert, nagbigay kasiyahan din si Louie Anne sa mga Bulakenyo sa pamamagitan ng isang medical mission para sa mga senior citizen.

Samantala, nagsakatuparan muli ang WISH 107.5 ng ilang kahilingan bilang bahagi ng pasasalamat sa kanilang dalawang milyong youtube subscribers. Isang brand new TV at gitara ang ipinagkaloob ng istasyon.
Samantala, sa darating na Huwebes ay pagkakataon naman ng mga taga-Camarines Norte na ipakita ang kanilang suporta sa hometown tour ni Kimberly Baluzo.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,