BFP, mag-iinspeksyon ng boarding houses kaugnay ng pagsisimula ng klase

by Radyo La Verdad | June 15, 2016 (Wednesday) | 7262

BOARDING-HOUSE
Magsasagawa ang Bureau of Fire Protection ng inspeksyon sa boarding houses sa Iloilo City upang matiyak na ligtas ang mga kuwarto o bahay na inuupahan ng mga estudyante ngayong pasukan.

Dapat pasado ito sa fire safety inspection certification, may fire safety equipment gaya ng fire alarm systems, emergency o fire exits at may business o mayor’s permit, BHC certification at sanitary permit.

Kung walang kumpletong requirement, bibigyan ng labinlimang araw na palugit ang operator upang magpasa at kung hindi ay ipasasara ang kanilang negosyo.

Paalala naman ng BFP sa mga mangungupahan na tiyaking ligtas sa sunog ang lugar na kanilang pipiliiin at i-check kung may certification at permit mula sa BFP at boarding house commission.

(UNTV RADIO)

Tags: ,