Biktima ng motorcycle accident sa Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | January 15, 2018 (Monday) | 5593

Hindi makagalaw habang nakahandusay sa kalsada ang 22 anyos na si Marlon Mallari nang datnan ng UNTV News and Rescue Team sa barangay Sto.Domingo, Minalin, Pampanga, alas dos beinte kaninang madaling araw.

Kaagaad na ini-assess ng grupo si Mallari na may mga gasgas sa mga kamay, namamaga ang kanang mata at nanginginig sa ginaw.

Matapos lapatan ng first aid ay isinugod nan g UNTV Rescue si Mallari sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital.

Batay sa inisyal na imbestgigasyon ng Minalin PNP, bumangga sa puno ng acacia ang motorsiklo na sinasakyan ni Mallari at ng kasama nito.

Ang ibang rescue team naman ang tumulong at naghatid sa ospital sa kasama ani Mallari na nagtamo rin ng malubhang pinsala sa katawan.

 

( Joshua Antonio / UNTV Correspondent )

Tags: , ,