Biktima ng motorcycle accident sa Pasig city, tinulungan ng UNTV News and Rescue team

by Radyo La Verdad | September 11, 2015 (Friday) | 1486

REYNANTE_TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue team at Pasig rescue ang isang na babae na natumba ang minamanehong nitong motorsiklo sa Barangay Kapitolyo sa Pasig city alas nuebe y medya kagabi.

Nadatnan pa ng grupo na nakahiga sa kalsada ang babae na kinilalang si Eunice Wijangco, 51 anyos na namimilipit sa tinamong pinsala.

Agad namang binigyan ng paunang lunas ng grupo ang biktima na idinadaing ang pananakit ang paa at binti

Matapos lapatan ng paunang lunas ang biktima ay dinala agad ito ng Pasig rescue sa medical city

Ayon sa salaysay ng biktima pauwi na sana siya nang may makasalubong na van, bumagal naman ang takbo ng van ngunit sa nawalan na siya ng kontrol sa manibela nang magpreno siya kaya natumba ang kanyang motor.(Reynante Ponte/UNTV Radio Correspondent)

Tags: