Bilang ng enrollees para sa s.y. 2023-2024, umabot na sa higit 22.6M – DepEd

by Radyo La Verdad | August 29, 2023 (Tuesday) | 2160

METRO MANILA – Umabot na sa mahigit 22.6 million ang bilang ng mga estudyanteng nagpa-enroll para sa school year 2023 to 2024.

Sa datos ng Department of Education (DepEd) as of August 28, 2023, umabot na sa 22,676,964 ang kabuoang bilang ng mga nagpa-enroll.

Pinakamarami sa mga nagpatala ay mula sa Calabarzon region, na mayroong mahigit sa 3 milyong mga estudyante.

Sinusundan ng Cental Luzon na mayroong mahigit 2.5 million, at higit 2.4 million naman sa National Capital Region (NCR).

Tags: ,