METRO MANILA – Sa dating guidelines ng Department of Education (DepEd), 50% – 70% capacity lang sa kada classroom ang pahihintulutang makilahok sa face-to-face classes.
Ngunit sa bagong Department Order na inilabas ng kagawaran, hindi na lilimitahan ang bilang ng estudyanteng papasok sa eskwelahan oras na magsimula na ang face-to-face classes para sa school year 2022-2023.
Ayon kay Education Secretary at Vice President Sara Duterte, kailangan lang na sundin ng mga paaralan ang mahigpit na pagpapatupad sa health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask, disinfection at social distancing.
Mahigpit ring ipinagbabawal sa mga estudyante, guro at non-teaching personnel ang magkasabay sa pagkain.
Bukod dito, binigyang diin ni VP Duterte na hindi na pagbubukudin ang mga estudyanteng bakunado kontra COVID-19 at ang mga hindi pa nababakunahan.
Ito ay dahil hindi pa naman mandatory ang COVID-19 vaccination sa mga estudyante.
Kahapon (July 14) iginiit ni VP Duterte na tuloy na ang pagbubukas ng klase sa August 22 sa kabila ng panawagan ng ilang guro na iurong ito sa Setyembre.
(Janice Ingente | UNTV News)
Tags: DepEd, face-to-face classes
METRO MANILA – Muling pinag-iingat ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa kumakalat na pekeng post tungkol sa umano’y cash assistance na ibibigay sa mga graduating student.
Sa isang mensahe nilinaw ni DepEd Undersecretary Michael Poa, na walang ganitong programa ang ahensya at pinayuhan ang mga magulang at estudyante na huwag magbibigay ng anomang personal na impormasyon sa mga ganitong klase ng post.
Nakasaad sa fake advisory na makatatanggap umano ng P8, 000 na cash aid ang mga graduating student mula elementary hanggang college level.
Ayon sa DepEd hindi dapat paniwalaan ang naturang post, at pinaalalalahanan ang mga magulang na mag-ingat upang hindi makompromiso ang kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga anak.
Tags: DepEd, Fake Cash Assistance
METRO MANILA – Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan sa bansa na isagawa ang kanilang end-of-school-year (EOSY) rites sa loob ng mga gusali o indoors.
Ayon sa kagawaran, nakatakdang ganapin ang mga EOSY rites mula Mayo 29 hanggang 31 ngayong taon, at itinakda na gawin ito sa loob ng mga gusali o sa mga lugar na may sapat na bentilasyon at malayo sa sikat ng araw.
Pinapaiwas din ng DepEd ang mga paaralan nai-iskedyul ang kanilang EOSY rites sa oras ng araw kung saan ang temperatura ay nasa pinakamataas na lebel.
METRO MANILA – Iminungkahi ng Department of Education (DepEd) kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang pagtatapos ng school year 2024 to 2025 sa buwan ng Marso sa susunod na taon.
Ito ay upang maibalik sa April to May ang bakasyon sa eskwelahan.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Brigas, nagsumite na ang kagawaran ng liham sa Office of the President patungkol sa end of school year.
Nakiusap naman si Bringas sa komite na bigyan ng panahon ang pangulo na mapag-aralan ang isinumiteng sulat ng kagawaran.
Sa oras na italaga ang pagtatapos ng school year 2024-2025 sa March 2025, magiging 165 days na lamang ang school calendar.
Tags: DepEd