Positibo ang naging pagtanggap ng Malakanyang sa bumabang bilang ng mga biktima ng krimen batay sa 4th quarter Social Weather Stations o SWS survey.
Lumabas sa naturang survey na nasa 4.5% o 2.8 milyong pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay biktima ng pagnanakaw, panloloob o car theft sa nakaraang anim na buwan.
Ayon sa SWS, ito ay mas mababa kumpara sa 5.5% na biktima ng property crime noong March at June 2015 at 1.9 % na mas mababa sa 6.4 % na naitala noong September 2016.
Samantala, maging ang mga nabibiktima ng common crimes ay bumagsak rin sa 4.9% o 3.1 milyong pamilya mula sa 6.8 % o katumbas ng 4.2 million families noong isang taon.
Ginawa ang survey mula Dec. 3-6, 2016 sa 1,200 respondents.
(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)
Tags: batay sa SWS survey, Bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila'y biktima ng krimen, bumaba
Bumaba ng sampung puntos ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mula positive 75 percent o excellent rating noong Disyembre 2017, bumaba sa positive 65 percent o very good ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang quarter ngayong taon.
Isinagawa ang survey noong March 23 hanggang 27 sa isang libo at dalawang daang tao sa buong bansa.
Bumaba ng lima hanggang anim na puntos ang trust rating ng pangulo sa Visayas at Mindanao pero nanatili pa rin ito sa excellent level. Bumaba rin ang rating ng presidente sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Luzon.
Nagpapasalamat naman ang Malacañang dahil nanatili pa ring mataas ang tiwala ng publiko kay Pangulong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pinapahalagahan nila ang pulso ng publiko lalo na’t hindi tumitigil ang mga kritisismo at pagtuligsa sa administrasyon.
Magpapatuloy din aniya ang mga polisiya ng administrasyon, kabilang na ang anti-drug campaign upang maabot ang drug-free na bansa at pagsulong ng ekonomiya upang magkaroon ng kumportableng pamumuhay ang lahat.
Iba-iba naman ang dahilan ng ating mga kababayan kung bakit sa tingin nila ay nananatili pa ring marami ang nagtitiwala kay Pangulong Duterte.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: bumaba, Pangulong Duterte, SWS survey
11 porsyento ang ibinaba ng bilang krimen sa bansa noong nakaraang taon kung ikukumpara noong 2016.
Sa datos ng Philippine National Police mula Enero hanggang Disyembre ng 2017, may naitalang 520 libong krimen sa bansa.
Mas mababa kung ikukumpara sa 584 na libong krimen noong 2016. Malaki ang ibinaba ng mga kaso ng pagnanakaw, gayundin ang murder, physical injury at rape.
Subalit tumaas naman ang homicide cases. Mula sa dating 2,336 noong 2016, umakyat ito sa 2,592 nitong 2017.
18 puntos ang ibinaba ng net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling Survey ng Social Weather Stations na inilabas nito noong Sabado. Ibig sabihin, bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nasisiyahan sa pamamamalakad ng Pangulo sa bansa.
Mula 66% o very good net satisfaction rating noong June 2017, naging 48% na lang ito o good net satisfaction rating ngayong buwan ng Setyembre. Isinagawa ang survey sa 1,500 respondents sa buong bansa noong September 23 hanggang 27, 2017.
Bumaba ang net satisfaction rating ng Pangulo sa Visayas, Luzon at Metro Manila subalit nanatiling mataas sa Mindanao. Bukod dito, bumaba rin ang net trust rating ng punong ehekutibo o ang bilang ng mga Pilipinong nagtitiwala sa pamumuno nito. 15 puntos ang ibinaba mula 75 percent noong Hunyo, naging 60% na lamang ito o very good trust rating.
Mataas ang naitalang tiwala ng publiko kay Pangulong Duterte ng magkakasunod na limang quarters ng panunungkulan nito subalit bumaba pagdating ng buwan ng Setyembre.
Paglilinaw ng SWS, non-commissioned ang naturang survey hinggil sa Pangulo at bahagi anila ito ng inisyatibo ng SWS at serbisyo publiko.
( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )
Tags: bumaba, Pangulong Duterte, SWS survey