Breaking: Vice Mayor Peña, nanumpa na bilang acting mayor ng Makati City

by monaliza | March 16, 2015 (Monday) | 917
Photo grabbed from VM Romulo Pena's Flickr account

Photo grabbed from VM Romulo Pena’s Flickr account

Nanumpa na bilang acting mayor ng Makati city si Vice Mayor Romula Peña makaraang isilbi ang suspension order laban kay incumbent Mayor Junjun Binay, kaugnay ng maanomalyang pagpapatayo ng Makati City Parking 2 building.

Si Peña ay nanumpa sa barangay hall ng Bgy. Poblacion sa harap ni city prosecutor Billy Evangelista at mag-o-opisna ito sa Old City Hall ng Makati.

Plano ng kampo ni Peña na kausapin ang mga taga-suporta ni Mayor Binay para kumbinsihin na maging kalmado dahil pansamantala lamang ang kanyang kapasidad bilang acting alkalde ng lungsod. Susubukan rin niyang kausapin ang suspendidong alkalde.

 

Tags: , ,