CA 6th Division, naglabas ng TRO vs suspension order kay Makati Mayor Binay

by monaliza | March 16, 2015 (Monday) | 1088

BINAYTRO

Naglabas na ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals 6th division sa suspension order ni Makati City Mayor Junjun Binay at 22 iba pa.

Kinatigan ng CA 6th division ang petisyong isinampa ni Binay upang pigilan ang pagpapatupad ng anim na buwang suspension na inilabas ng Office of the Ombudsman.

Nagsilbing ponente sa desisyon si CA Associate Justice Jose Reyes Jr. at mga miyembro na sina Associate Justices Francisco Acosta at Eduardo Peralta Jr.

Itinakda naman ang oral arguments sa kaso sa March 30 at 31.

Tags: , , ,